BINOKYA ng Philippines ang Hong Kong, 10-0, sa loob ng pitong innings nitong Huwebes upang makausad sa super round ng 2017 Baseball Federation of Asia (BFA) Asian Baseball Championship sa New Taipei City.
Anuman ang kahinatnan ng susunod na panalo, nakasiguro na ang Pinoy batters para sa ikaapat na puwesto sa prestihiyosong torneo.
Makakaharap ng Philippines ang Chinese Taipei Biyernes ng gabi at Korea sa Sabado. Target ng Pinoy na mawalis ang dalawang laro para makausad sa championship round.