Ni FER TABOY

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung ano ang pinagmulan ng sunog na pumatay sa tatlong miyembro ng isang pamilya, makaraang masunog ang kanilang bahay habang himbing silang natutulog sa Mandaue City, Cebu kahapon ng umaga.

Dakong 4:10 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Barangay Tipolo, Mandaue City.

Kinumpirma ng Mandaue City-BFP na natagpuan ang bangkay ng mag-asawang Antonio at Marcela Paz, at anak nilang si Ancel Jay, Grade 5 pupil.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, nasa kasarapan ng tulog ang mag-anak nang masunog ang kanilang bahay, na nasa loob ng imbakan ng kahoy.

Malaki na ang apoy nang magising ang mga biktima, na hindi na nagawang makalabas sa kanilang bahay.