Hinamon ni Pangulong Duterte sina Ombudsman Conchita-Carpio Morales at Supreme Court (SC) Chief Justice (CJ) Maria Lourdes Sereno na sabayan siyang magbitiw sa puwesto sa paniniwalang pinasasama lamang nilang tatlo ang kalagayan ng bansa.

Binira rin ni Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos siyang sabihan ng head nitong si Abdiel Dan Elijah Fajardo na huwag maging balat-sibuyas at respetuhin ang kalayaan ng Office of the Ombudsman (OMB).

Ipinahayag ni Duterte ang kanyang tirada sa pagtatalaga ng mga bagong IBP officers at pagpapakilala sa mga bago nitong miyembro sa Davao City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Pangulo, dapat nang tumigil sina Morales at Sereno sa pagmamanipula sa isip ng publiko sa pamamagitan ng pagtuligsa sa mga napapatay sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“’Wag na tayong magbolahan ‘yang mga pa-ek-ek ninyo sa publiko. I said I am ready to lose the presidency—my honor, my life, and the presidency,” galit na sinabi ni Duterte.

“I now challenge Carpio to resign with me at itong si Supreme Court [Chief] Justice. Sige nga!” dagdag niya. “I challenge the two. We will go to Congress in a simple ceremony. We sign the letter of resignation. Sige nga. Then let us open all the books, pati inyo.

“Kung magsalita kayo ng—Hoy, hindi ako mamatay ‘pag hindi ako presidente. I said, I challenge you to [resign]—kami man nagpapagulo. Nagpapagamit ‘yang dalawa, eh. Eh ‘di, mag-resign tayo.”

SINONG BALAT-SIBUYAS?

Iniimbestigahan ng OMB si Duterte sa sinasabing lihim nitong yaman na umano’y aabot sa mahigit P1 bilyon sa nakalipas na mga taon.

Pinagmumura rin ni Duterte ang IBP na tumawag sa kanya na ‘balat-sibuyas’ sa pagsasabing nangyayari sa kanya ngayon ang nangyari noon kay yumaong Chief Justice Renato Corona.

Pinatalsik si Corona noong 2011 dahil sa pagkabigong ideklara ang kanyang statement of assets, liabilities, and net worth.

Binira rin ng Pangulo si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa ‘fabricated’ evidence upang siraan lamang umano siya sa publiko.

BANTA KAY CARANDANG

“And in face of accusation, the Ombudsman, talagang p***** i** ‘to, say now that they have evidence and will proceed with the case. Yet, sabi ng AMLC they have not issued any resolution to release the statement of my bank account,” sabi ni Duterte.

“Tapos sabihin mo sa akin ‘do not be onion-skinned’ in face of the fabrication and the illegally obtained [evidence]? How about my right again to freedom of expression? Ikaw ganunin ko,” dagdag ng Pangulo, tinukoy ang IBP.

“Itong Carandang na ito, tingnan n’yo. Using falsified [evidence], [and] going public [with it], knowing AMLC council has not given its authority to release [the records],” dugtong niya. “How about the 16 million who voted for me? Gusto n’yo akong siraan sa kanila?”

“Magdasal ka lang, Carandang. I’m not threatening you. ‘Pag nagkaletse-letse ang Pilipinas, uunahin kita,” sabi pa ni Duterte. - Argyll Cyrus B. Geducos