Ni LYKA MANALO

TANAUAN CITY, Batangas – Namatay ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos pagbabarilin sa Tanauan City, Batangas, kahapon.

Kinilala ang biktimang si Fernando Landicho, assistant district engineer ng DPWH sa Carmona, Cavite.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 11:20 ng umaga at naglilinis ng sasakyan si Landicho sa kanilang garahe nang pagbabarilin ng suspek sa Purok 2, Barangay Banadero.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nilapitan umano at binaril ng isa sa mga suspek ang biktima habang nagsilbi naman umanong lookout ang driver ng motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng bayan ng Talisay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.