Ni ADOR V. SALUTA

MATAGAL-TAGAL ding naghintay ng break ang dating PBB Teen Clash housemate na si Devon Seron bago nagkaroon ng big break. Ngayon ay bigla siyang pinag-uusapan dahil siya ang kinuha ng Gitana Films para magbida sa pelikulang You With Me, kasama ang dalawang Korean actors na sina Hyun Woo and Jin Ju Hyung.

DEVON copy

Kaya marami ang nagkokomento na marami siyang tinalbugang other stars.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Hindi naman sa tinalbugan, pinalad lang po talaga ako na napili ako ni Direk (Rommel Ricafort) na gumanap talaga dito,” salag ni Devon.

Ang You With Me ay 80% made in South Korea, at pinaplanong ipalabas sa ilang Asian countries.

“Unang-una hindi ko naman talaga alam na international film ito kaya sobrang shocking nu’ng nalaman ko na natanggap ako. At hindi lang naging part, naging lead rin ako sa movie na ito.”

Kung ang ibang Pinoy celebrities ay nangangarap makatikim ng international exposures, mas gusto ni Devon na simple lang ang career niya.

“Gusto ko talagang mag-strive for a better version of me. Gusto ko lang talaga na mas matuto pa sa pag-arte at ito ang opportunity na matuto ng ibang ways of pag-acting, lalo na ngayon na ibang mga lahi at mga Koreano ang kasama ko,”

Ikinuwento ni Devon kung bakit siya ang napiling leading lady sa You With Me, among dozens of actresses na nag-audition para sa role.

“I’m just being myself. Talagang I’m trying na maging truthful talaga sa kung ano ang gusto kong ipahiwatig. Walang sugarcoating,” sey niya.

Gaya ng ibang artistang nagbabasakali para sa isang project , hindi nakalimutan ni Devon na magdasal, kaya nga nagiging emotional siya tuwing sumasalang sa audition.

“Parang feeling ko kasi every audition ko, para siyang first time lagi sa akin and talagang hindi maiwasan ang mga kaba and ang mga expectations ng mga pipili sa ‘yo.”

In fairness kay Devon, napanood na namin ang You With Me sa Trinoma Cinema 7 screening at talaga namang stand-out ang Pinay actress.

“Kung ano po ang meron ako, talagang tina-try kong ihugot at ibigay ‘yun,” aniya.

Tinawanan na lang ni Devon kung anong naramdaman sa kissing scenes nila ni Jin Jhu sa gitna ng dagat na tumagal ng halos ten seconds.

“Panoorin n’yo na lang po,” sey ng dalagang aktres.

Napatawa lang ang aktres nang may magsabi na napakaraming naiinggit sa kanya dahil nakahalikan niya ang kinakikiligang Korean actor.

Showing pa rin sa mahigit 100 theaters nationwide ang You With Me.