Ni MARIVIC AWITAN

La Salle, ‘di pinawisan sa UST.

HINDI na nagawang makaatungal ng University of Santo Tomas Tigers nang paulanan ng opensa ng De La Salle Archers tungo sa 115-86 dominasyon kahapon sa UAAP Season 80 basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Lyceum's Jayvee Marcelino (center) and CJ Perez (center-right) stop San Sebastian's Michael Calisaan from getting the ball during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 29, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Lyceum's Jayvee Marcelino (center) and CJ Perez (center-right) stop San Sebastian's Michael Calisaan from getting the ball during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 29, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Matapos ang nakahihinayang na kabiguan sa kamay ng University of the Philippines Maroons may isang linggo na ang nakalilipas, bumalikwas ang Archers at sinigurong pamatay ang mga palasong pakakawalan para makopo ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Taglay naman ng UST, minsang kinatakutang koponan sa liga, ang pinakamasaklap na kampanya sa nakalipas na mga taon sa ikaanim na sunod na kabiguan.

Hataw si Ben Mbala sa naiskor na 29 na puntos, siyam na rebounds, dalawang steal, dalawang assist at tatlong block para pangunahan ang La Salle.

Nag-ambag si Andrei Caracut sa naiskor na 14 na puntos, at kumana si Leonard Santillan ng 13 puntos, apat na rebounds at apat na assists, habang kumubra naman si Prince Rivero ng 13 markers.

“We played unselfish basketball the whole game,” sambit ni La Salle Assistant Coach Miggy Solitaria. “Sobrang aggressive namin and we pushed the pace, which is what we want.”

Nagsalansan si Wendell De Guzman ng 18 puntos sa US, habang kumubra si Steve Akomo ng 15 markers at 13 rebounds.

Humirit din si Jordan Sta. Ana ng 14 na puntos.

Pinakamalapit na iskor ang naidikit ng UST sa 11 puntos sa third period, ngunit hindi na nila nasabayan ang bilis at determinasyon ng Archers para tuluyang makalayo at maitala ang dominanteng panalo.

Umabot sa pinakamalaking 31 puntos ang bentahe ng La Salle mula sa jumper ni Ricci Rivero, 115-84.

Iskor:

La Salle (115) – Mbala 29, Caracut 14, Santillan 13, Rivero Prince 11, Montalbo 8, Tratter 8, Capacio 7, Golo 7, Rivero Ricci 7, Tero 5, Baltazar 4, Paraiso 2, Gonzales 0.

UST (86) – De Guzman 18, Akomo 15, Sta. Ana 14, Lee 8, Faundo 8, Macasaet 8, Romero 4 , Kwawukumey 4, Caunan 2, Huang 2, Escalambre 2, Arana 1, Lorenzana 0, Garcia 0, Soriano 0.

Quarterscores: 30-21; 60-42; 85-63; 115-86.