Ni: NITZ MIRALLES

NADAGDAGAN ang pina-follow ni Kris Aquino sa Instagram dahil sa latest count, 14 na ang pina-follow niya from 10 last week. Ang napansin lang namin, hindi local celebrities ang bagong pina-follow ni Kris kundi may foreign personalities na nakalinya sa sa fashion.

KRIS copy copy

Sina Wendy Williams, Anna, Karen Britchick ay talk show host, fashionistas respectively at ang Topshop na isang clothing brand. Walang nadagdag na local celebrities o personalities sa pina-follow ni Kris.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Anyway, kung nakahabol si Kris sa album launch ni Kim Chiu kahapon, first time niya for the longest time to be seen on public na may kinalaman sa showbiz. May taping si Kris kahapon (hindi sinabi kung para saan), pero mag-i-effort daw siya na humabol para mapanood si Kim.

“When I love a friend -- na parang panganay ko na, 100% ang support. Bought the tickets for @chinitaprincess grand album launch for Touch of Your Love. Because just like her #okaynaako.”

Kahit wala sa entertainment industry si Kris, busy pa rin ang schedule niya sa sunud-sunod na meeting for her food business.

“Umiikot ako -- inspected our @chowkingph Welcome Rotonda opening this Friday, Sept. 29 & our @potatocornerph+ @nachobimby opening mid-October in Gateway.”