Ni MERCY LEJARDE

HINDI lang ang mga kaedaran ni Token Lizares ang nagagandadan sa Till The World Is Gone (TTWIG) na carrier single ng kanyang album na may ganoon ding pamagat, meron ding ilang belong sa Millennials na nagugustuhan ito.

TOKEN copy copy

Laking gulat namin last Sunday nang bisitahin ng kanyang mga pinsan sa mother side ang aming guwaping na bagets sa balaysung na si Joshua Adman Guarin. Pagkakain ng lunch, isinalang kasi ng aming guwaping na bagets sa CD player ang Till The World Is Gone album ni Token at lahat ba naman nakisabay sa pagkanta ni Token. Tipong memorized na nila ang lyrics ng TTWIG with matching masayang sigawan pa ng, “Token Lizares is in the house, yohoooo!”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

At nagplano pa silang pupuntahan ang mall tour album launch ng Charity Diva with matching tarpulin pa, ha, in pernes!

 

‘Kaloka, hindi lang pala young at hearts ang nakaka-relate sa lyrics ng Till The World Is Gone kundi maging ang young hearts. No wonder kung bakit kaydaming gustong manood sa nalalapit na album launch cum concert ni Charity Diva sa isang five star hotel sa Makati.

 

Well, ikaw na, Token Lizares!

 

Samantala, ang Till The World Is Gone music video making waves na rin sa YouTube with actor Al Tantay as Token’s leading man. Nasa music video rin sina Kiel Alo at Ella de Guzman, directed by Miggy Tanchangco.