UNITED NATIONS (AP) – Iginiit ng U.N. ambassador ng Myanmar na walang nangyayaring “ethnic cleansing” o genocide laban sa mga Muslim at tinutulan niya “in the strongest terms” ang paggamit ng mga bansa sa mga salitang ito para ilarawan ang sitwasyon sa Rakhine State.

Ginamit ni Hau Do Suan ang kanyang “right of reply” sa pagtatapos ng anim na araw na pagtitipon ng mga lider ng mundo sa General Assembly nitong Lunes upang sagutin ang tinawag niyang “irresponsible remarks” at “unsubstantiated allegations” sa mga talumpati sa 193- miyembrong world body.

Iginiit ni Hau na: “There is no ethnic cleansing. There is no genocide. ... We will do everything to prevent ethnic cleansing and genocide.”

Nitong nakaraang buwan, mahigit 420,000 Rohingya Muslim ang tumawid sa Bangladesh dahil sa panununog sa kanilang mga bahay at pamayanan ng mga sundalo at Buddhist monks.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina