Ni: Reggee Bonoan

KADALASAN kapag babaeng kontrabida, maganda man o hindi kagandahan, kinamumuhian ng mga manonood o kaya ay kung anu-ano ang masamang sinasabi o komento.

MARICAR copy

Iba ang dating ni Maricar Reyes-Poon bilang si Samantha na kontrabida nu’ng unang sumulpot sa La Luna Sangre pero pawang positibo ang feedback.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kesehodang hindi girly ang boses niyang malaki, gusto siya ng viewers at lalo pang minahal nang malaman na kakampi pala siya ng Moonchasers, na siya pala ang nasa likod nito, at kinasangkapan lang si Professor T (Albert Martinez) para tumulong kina Tristan (Daniel Padilla) at Malia (Kathryn Bernardo).

Sa umeereng kuwento, alam na ni Samantha na si Tristan ay may kaugnayan sa past life niya kaya mahigpit ang bilin niya kay Professor T at sa Moonchasers na bantayan ang binata dahil hindi ito dapat mapahamak.

Maging ang lobong best friend ni Malia na si Jake (Tony Labrusca) ay pinakiusapan niyang bantayan si Tristan.

Nananatiling mataas ang ratings nationwide ng La Luna Sangre (36.4%) kumpara sa katapat nitong Alyas Robin Hood (14.7%) nitong Biyernes.

Napakasuwerte ni Maricar dahil kahit sosyal ang dating at hindi man dire-diretso ang acting career, madali siyang natatanggap ng televiewers kumpara sa iba na marami ring exposure sa mga serye pero hindi tanggap ng masa kaya pinapatay na ang karakter kalaunan dahil hindi naman nakakatulong sa programa.

Anyway, halos isang buwan na sa Bestseller Chart ng National Bookstore ang libro nila ng asawang si Richard Poon na may titulong 10 Things We Fight About. Magkakaroon sila ng book tour at autograph signing, kaya abangan.