Ni: Charissa M. Luci-Atienza
Hiniling ni Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno kahapon na ibasura ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya dahil sa “lack of sufficient grounds and for lack of probable cause,” kasabay ng babala na ang pag-impeach sa kanya batay sa mga mali at walang saysay na dahilan ay magdudulot ng instability at kawalang katarungan sa bansa.
Isinumite kahapon ni Sereno ang kanyang 85-pahinang verified answer sa impeachment complaint na inihain ng abogadong si Larry Gadon sa House Committee on Justice.
Sinabi ng lead counsel ni Sereno na si Atty. Alexander Poblador na ang mga akusasyon ni Gadon sa complaint ay “baseless” at “totally false” na ibinatay sa “hearsay and newspaper clippings.”
“I’d like to say these were allegations that were not substantiated, and should be dismissed from the very start,” ani Poblador sa mga mamamahayag sa press conference.
Sinabi niya na si Sereno “will be fully represented” sa isasagawang pagdinig ng House panel ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, para sa pagtukoy kung mayroong dahilan at sapat na batayan para i-impeach ang Chief Justice.
“Whatever political manueverings are happening, mananalo kami dito,” paniniyak ng abogadong si Anacleto Rei “Jojo” Lacanilao III, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno.