Ni: Jun Fabon

Patay ang isang construction worker makaraang mahulog mula sa ginagawang gusali sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Danilo Maala, 37, stay-in worker sa ginagawang gusali sa International residence hall, Ateneo De Manila University (ADMU) sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Dead on arrival si Maala sa Quezon Memorial Medical Center (MMDC). Siya ay namatay sa pagkabagok at nagtamo ng mga galos sa katawan, ayon sa mga attending physician.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa report ni PO3 Eugene Hernandez, desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang aksidente mula sa 2nd floor ng naturang unibersidad, bandang 10:00 ng umaga kamalawa.

Abala umano sa paghahakot ng bakal ang biktima nang madulas ito at tuluyang nahulog.