Ni NITZ MIRALLES

THIS Sunday na pala ang pilot ng Bossing and Ai, ang bagong show nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas sa GMA-7.

Dahil walang presscon ang show, hindi natanong sina Vic at Ai Ai kung bakit late ang time slot nila at kung bakit itinapat sa show ni Vice Ganda sa ABS-CBN na Gandang Gabi Vice.

VICE GANDA copy copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Comedy game show ang concept ng Bossing and Ai at sa napanood naming short teaser, may kanya-kanyang team ang dalawa na magpapagalingan sa pagpapatawa.

Comment ng nakapanood sa taping ng pilot episode, nakakatawa ang concept ng show at mag-i-enjoy daw ang viewers.

So, comedy sa comedy na ang tapatan sa Sunday night timeslot ng Siyete at Dos. Vic Sotto at Ai Ai delas Alas versus Vice Ganda.

Abangan nga natin.