Mga laro ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 n.u. -- JRU vs San Beda (jrs)

10 n.u. -- EAC vs Arellano (Jr’s)

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

12 n.t. -- JRU vs San Beda (srs)

2 n.h. -- EAC vs Arellano (srs)

4 n.h. -- Mapua vs Letran (jrs)

TULUYANG pinatingkad ng Lyceum of the Philippines Pirates ang kasaysayan sa NCAA Season 93 sa naitalang win No.13 matapos gapiin ang Perpetual Help Altas, 94-83, kahapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Sa naitalang 13-0 sa double round elimination, nakopo ng Pirates ang unang upuan sa Final Four – kauna-unahang semifinal campaign para sa Intramuros-based cagers.

Perpetual's Keith Pido drives against Lyceum's Jaycee Marcelino during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 21, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)Muling rumatsada si CJ Perez sa naiskor na 21 puntos sa Pirates bukod sa siyam na assists at limang rebounds.

Mula sa 12-2 run sa unang anim na minuto ng final period, umabante ang Pirates sa 83-70 at hindi na bumitaw.

“It’s really something that we are not accustomed to but part of the journey is making it here,” sambit ni Lyceum head coach Topex Robinson.

“We’ll just continue to be humble and feel blessed to be in this position,” aniya.

Nag-ambag si Mike Nzesseu sa Pirates sa naiskor na 15 puntos at 10 rebound habang kumana si Spencer Pretta ng 12 puntos.

Nanguna si Prince Eze sa Altas na nakubrang 26 puntos at 20 rebounds.

Naungusan din ng Lyceum of the Philippines ang University of Perpetual, 74-72, kahapon sa junior division para patatagin ang kampanya sa Final Four.

Iskor:

(Unang Laro)

Lyceum (94) — Perez 21, Jv. Marcelino 15, Nzeusseu 15, Pretta 12, Jc. Marcelino 11, Ayaay 8, Caduyac 4, Cinco 3, Tansingco 3, Santos 2, Baltazar 0, Ibañez 0, Liwag 0.

Perpetual (83) —Eze 26, Dagangon 17, Sadiwa 13, Singontiko 9, Pido 8, Coronel 5, Ylagan 4, Cabiltes 1, Casas 0, Hao 0, Lucente 0, Mangalino 0, Tamayo 0, Yuhico 0.

Quarterscores: 16-19; 43-40; 67-63; 94-83.