Ni: Marivic Awitan

TARGET ng reigning champion San Beda College ang ikalimang sunod na titulo sa pakikipagtuos sa College of St Benilde sa kampeonato ng women’s division ng NCAA Season 93 table tennis tournament na ginaganap sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

EAC's Sidney Onwubere (left), Philip Tampoc (right), and Jerome Garcia get ready to rebound during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 19, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
EAC's Sidney Onwubere (left), Philip Tampoc (right), and Jerome Garcia get ready to rebound during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 19, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Nanguna sa eliminations matapos walisin ang siyam nilang laban, ginapi ng Lady Red Paddlers na binubuo nina singles specialist Abbie Nuevo na nanatiling unbeaten matapos ang 10 laban, doubles duo Kryslyn MeĂąez at Francess Vllanueva at second singles player Angel Sanchez ang 4th seed Lyceum of the Philippines, 3-0 sa semifinals para sa ika-sampung sunod nilang panalo at makapasok sa kampeonato.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Naitakda naman ang pagtatapat nila ng dating 8-time champion Lady Blazers sa finals matapos nitong manaig sa third seed Letran 3-0.

Sa men’s division, magkakasubukan sa kampeonato ang reigning titlist CSB Blazers at Letran makaraang magwagi sa kani-kanilang mga nakatunggali sa nakaraang semifinal round.

Tinalo ng 4-peat seeking Blazers ang Lyceum Pirates, 3-0 habang iginupo naman ng Knights ang SBC Red Lions, 3-1.

Sa juniors division, nanggulat naman ang 4th seed Arellano Braves nang patalsikin ang topseed San Sebastian College, 3-2 para maitakda ang pagtatapat nila ng defending champion San Beda na nanaig naman kontra Letran, 3-0 , sa kampeonato.