Ni LITO T. MAÑAGO

IKA-2 taong anibersaryo ng mga librong Sisikat Din Ako (English version) at Mag-artista Ka (Tagalog version) ni Katotong Noel Ferrer sa katatapos na Manila International Book Fair sa SMX Conventional Center nitong nakaraang Linggo.

Dumalo ang ilang talents at kaibigang artista ni Noel katulad nina Rocco Nacino, mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman, Richard Quan, Edgar Allan Guzman (who rendered two songs), Adrian Alandy (formerly Luis Alandy who’s celebrating his 20th year in the biz and opted to use his real name) at Joross Gamboa, ang tinaguriang Pambansang Best Friend ng mga bida.

JOROSS ANDREA AT JUDY ANN
JOROSS ANDREA AT JUDY ANN
Masaya ang forum. Aliw na aliw kami sa pagpapatawa ni Joross. Hindi lang siya award-winning dramatic actor, komedyante rin.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Bago ang forum at book signing, nainterbyu ng press si Joross sa backstage, at sabi ng aktor, kuntento at masaya siya sa mga proyektong ginagawa niya ngayon.

Pasok na rin siya sa La Luna Sangre ng ABS-CBN at ginagampanan niya ang papel ng adoptive father ni Kathryn Bernardo.

“Maganda ang role kasi may mga action scenes ako na kailangang gawin for my role at wala akong double sa mga action scenes, ha?” pagmamalaki ng aktor.

“Nakaka-excite kasi never ko pang nasubukan mag-action. Sa La Luna Sangre, bukod sa action, kailangan ko ring mag-drama at magpatawa. Complete package kumbaga,” lahad ni Joross.

Pagkatapos ng forum, umalis kaagad siya para sa last shooting day niya sa Buy Bust na gumaganap naman siyang kontrabida ni Anne Curtis. Ayaw lang mag-elaborate ng former questor ng Star Circle Quest sa kanyang role dahil, aniya, magiging spoiler daw.

Ang importante, masaya siyang nakatrabaho si Anne at first time rin niyang nakatrabaho si Direk Erik Matti.

“Exciting ‘yung role ko kasi may action scenes na naman. Saka kakaiba kasi may patayan at ang barilan, eh, sa mukha ka patatamaan,” lahad niya.

Wala pang ideya si Joross kung isasali ang Buy Bust sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December.

Ang sigurado siya, kasali siya sa pelikulang Dalawang Mrs. Reyes na co-production venture ng Star Cinema, IdeaFirst Company nina Perci Intalan at Jun Lana, at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Gaganap siya bilang asawa ni Judy Ann Santos.

“Ibang level na ito kasi hindi na ako sidekick o best friend kundi asawa na ni Judy Ann,” natawang kuwento ni Joross. “Kahit na masampal lang ako ni Juday sa movie, happy na ako. Wala na akong hahanapin pa.”

Inspirasyon ni Joross ang kanyang pamilya (kasal siya kay Kathy Kimberly Saga at may dalawa na silang anak) kaya nagsusumikap siya sa trabaho.

“Dala na rin ng maturity, kasi 13 years na rin naman ako sa business, kaya I realized na kailangan ko talagang magsikap for my family. May anak na ako and siyempre I need to prepare for my child’s future. Kaya basta may trabaho, game ako. Kahit anong role payag ako, basta wala lang frontal nudity, ha-ha-ha,” biro niya.

Last Wednesday, muling ipinalabas sa walong SM Cinemas ang pinagbibidahan ni Joross na drama/romance na I Love You, Thank You ni Bebs Gohetia at bahagi ito ng CineLokal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).