Ni: Lyka Manalo

CALACA, Batangas - Patay ang isang construction worker matapos matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang riprap sa Calaca, Batangas noong Sabado.

Kinilala ang biktimang si Nory Vidal, 45, ng Barangay Cahil.

Nailigtas naman ng mga kasamahan ang isa pang biktimang si Profirio Manalo, 42 anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:30 ng hapon, naghuhukay ng pundasyon sa gagawing riprap sa isang poultry construction site sa Bgy. Matipok ang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan sila.