Ni: Nora Calderon

BIG success ang 10th anniversary ng Gabay Guro Foundation, headed by its chairman, Chay Cabal-Revilla and brand advocacy head ng PLDT na si Gary Dujali. Dumalo ang kanilang bis boss na si Mr. Manny V. Pangilinan. 

Todo ang pagpaparangal nila sa ating mga guro dahil bukod sa malalaking premyo sa pamamagitan ng raffle, dinagsa rin sila ng malalaking artista at celebrities na nagbigay-saya sa mga dumalong titser mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Kaya punumpuno ang Mall of Asia Arena last Sunday.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Naging host sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Ms. Pops Fernandez, Marki Stroem at Andrew Wolf. Dumating sina Marian Rivera, Lea Salonga, Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Celeste Legaspi, Martin Nievera na nakipag-duet kay Pops, Gary Valenciano, Basil Valdez, Gabby Concepcion, Tom Rodriguez, South Border, Jona, Michael Pangilinan, at marami pang iba.

First time ni Sarah Geronimo na magpasaya ng mga guro.

Batay sa mga tilian ng audience, natupad na ang wish ng mga guro na makitang magkasamang nag-guest sina Alden Richards at Maine Mendoza. Natatandaan namin na noong 2015, si Alden lang ang nakapag-guest dahil bawal pa silang magkita at magkausap ni Maine. Then in 2016, out-of-the-country naman si Alden kaya si Maine lang ang nag-guest, kasama si Ryzza Mae Dizon. Ngayon, sa pangatlong pagkakataon, magkasama nang nag-guest sina Alden at Maine sa kanilang 10th anniversary. 

May song number si Alden at dance number naman si Maine na katulong din ni Pops na nagbasa ng winners. Naging bonus pa nina Alden at Maine ang kanilang baby sa Eat Bulaga si Baeby Baste na sinamahan din nilang mag-perform ng kanyang “Bastelicious” dance.

Nasa SM MOA kami dahil um-attend kami ng 38th Manila International Book Fair sa SMX Convention Center. After ng book fair, sa food area, may mga nakausap kaming teachers na galing sa Gabay Guro at tuwang-tuwa raw sila dahil sa ikatlong pagkakataon ay nakita na rin nilang magkasama ang hinahangaan nilang love team. Nakita pa namin ang tuwang-tuwang guro na nanalo ng house and lot.

Marami raw sa kanila ang pinalad na makakuha ng cash prizes, vehicles, at iba pang prizes.

Sa Gabay Guro Foundation, congratulations at more success sa mga susunod pang taon at mas malalaking premyo para sa ating mga bayani ng bayan.