Ni: Marivic Awitan

UMABOT na sa 50 ang winning streak ng National University matapos pataubin kahapon ang De La Salle,77-56, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Naging one-sided ang rematch ng nakaraang taong finalists nang madomina ng reigning champion at four-peat seeking Lady Bulldogs na lumamang ng hanggang 26 puntos.

Ang naitalang winning run ay ang second longest record ng team sports sa liga kasunod ng itinala ng Adamson softball squad na 73-game winning streak mula 2010 hanggang 2016.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I’m happy for the school and the players that worked hard to achieve this feat,” ani Lady Bulldogs mentor Pat Aquino.

“As far as I’m concerned, we just take it one game at a time. Basta we treat a game like if it is our last game everytime. And also treating everyone like a family makes us tougher and stronger,” aniya.

Sa isa pang laban, nakisalo naman ang University of Santo Tomas sa liderato sa NU at Ateneo makaraang iposte ang ikalawang sunod nilang panalo pagkatapos gapiin ang Adamson, 75-66, sa pamumuno ni Jem Angeles na nagtala ng 16-puntos.

Namuno para sa NU ang Congolese na si Rhena Itesi, na may 21 puntos at 15 rebounds, kasunod si Ria Nabalan, na may 19 puntos, 7 rebounds, 4 steals, at 3 assists.