U.S. Ambassador to the United Nations Nikki Haley speaks during a news briefing at the White House, in Washington, Friday, Sept. 15, 2017. (AP Photo/Carolyn Kaster)

UNITED NATIONS (AP) – Nahaharap sa tumitinding banta ng nuclear mula sa North Korea at mass flight ng mga minority Muslim mula sa Myanmar, sisimulan ng mga nagtipong lider United Nations ngayong Lunes ang pagtalakay dito at iba pang mga hamon – mula sa paglaganap ng terorismo hanggang sa pag-init ng planeta.

Nasa spotlight si U.S. President Donald Trump at bagong lider ng France na si Emmanuel Macron, na kapwa dadalo sa General Assembly sa unang pagkakataon.

Ang North Korea, na tinawag ni Secretary-General Antonio Guterres na “the most dangerous crisis that we face today,” ang mahigpit na babantayan at magiging pangunahing isyu para sa maraming lider. Sumusunod dito ang kalagayan ng Rohingya Muslims ng Myanmar, na mga biktima ng tinatawag ni Guterres na ethnic cleansing.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Pagtutuunan din ng mga lider ang ikatlong pinakamalaking banta – ang climate change. Pangungunahan ni Macron ang pagpupulong sa Martes para simulan ang implementasyon ng 2015 Paris Climate Agreement.

Nasa agenda rin ang terrorism-related events. Isang side event sa Miyerkules kaugnay sa “Preventing Terrorist Use of the Internet” ang dadaluhan ng senior representatives ng malalaking social media companies. Co-host dito ang Britain, France at Italy.

Tatalakayin din sa ministerial meeting ang pagtatamo ng U.N. goals sa 2030 na wakasan ang kahirapan at mapreserba ang planeta, economic empowerment ng kababaihan, migration at pag-iwas sa digmaan.

Ang General Assembly ministerial sessions ay magsisimula sa Martes at magtatapos sa Setyembre 25.