Ni: Nitz Miralles

KAKAIBANG love triangle ang hatid ng Super Ma’am ng GMA-7 na magpa-pilot sa September 18, sina Marian Rivera, Jerald Napoles at Matthias Rhoads.

MARIAN AT DINGDONG copy copy

Si Marian ay gaganap bilang si Teacher Minerva Henerala, si Jerald ay si Esteban Golo, janitor sa school na pinagtuturuan ni Minerva at may lihim na pagmamahal sa kanya. Si Matthias ay si Trevor Jones, foreign archaeologist na ma-i-involve at ma-i-in love kay Minerva. Magandang subaybayan ang kanilang love story.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi pa man airing, nagpasalamat na si Matthias sa break na ibinigay sa kanya ng GMA-7 at makapareha si Marian.

“Sobrang saya at suwerte ko to be the leading man of this super sweet lady. Hindi lang super ganda, super talented actress pa siya at magaling na chef! Be wary of our powerful combination, we are both August 12 Leo signs!

#supermaam.”

Ayon sa initial releases ng Kapuso Network, mapapanood ang Super Ma’am pagkatapos ng 24 Oras at saka susunod ang Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes. Ang ibig sabihin, sina Marian at ang Ang Probinsyano ni Coco Martin ang magkakatapat at ang Alyas Robin Hood 2 na ang makakatapat ng La Luna Sangre. Kaya hindi magkakatapat ang teleserye nina Marian at Angel Locsin.