Patty Jenkins (Photo by Chris Pizzello/Invision/AP, File)
Patty Jenkins (Photo by Chris Pizzello/Invision/AP, File)

MULING ididirihe ni Patty Jenkins ang 2019 sequel ng superhero movie na Wonder Woman ayon sa film trade publications nitong Lunes, matapos siyang maging higest-grossing female director sa kasaysayan ng Hollywood.

Muling ididirihe ni Jenkins, 46, ang Israeli actress na si Gal Gadot sa Wonder Woman 2 na nakatakdang ipalabas sa Disyembre13, 2019, lahad ng mga publication kabilang ang Variety at Hollywood Reporter.

Wala pang komento ang Warner Bros. tungkol sa balita at wala pang ibinigay na detalye ukol sa sequel.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Wonder Woman ang kauna-unahang standalone movie na ang bida ay babaeng superhero mula noong 2005’s box office dud na Elektra at ang unang pelikula na idinirihe ng babae.

Nanguna ito sa box office nitong nakaraang Hunyo at nagtamo ng magagandang review, pinuri ang mensahe tungkol sa female empowerment, at kumita ng $816.4 million sa worldwide box office. Ito na ang second-biggest movie of the year kasunod ng live action version ng Beauty and the Beast.

Tinalo ni Jenkins si Phyllida Lloyd, na nagdirihe ng musical na Mamma Mia! noong 2008, bilang highest-grossing female director.

Mapapanood muli si Gadot bilang Wonder Woman sa November’s superhero ensemble movie na Justice League kasama sina Ben Affleck bilang si Batman at Henry Cavill bilang si Superman. - Reuters