Ni: Leonel M. Abasola

Ibinasura ng Senate Ethics Committee ang reklamo laban kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III samantalang iniakyat naman ang reklamo laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Si Senator Panfilo Lacson, tumayong chairman ng ethics committee nang mag-inhibit si Sotto, ang nag-apruba na ibasura ang kaso ni Sotto dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.

Ang reklamo ay bunga ng naging komento ni Sotto kay dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na “naano lang” nang mabatid na single mother ang dating kalihim.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iginiit ni Sotto na isang uri ng biro ang kanyang pahayag.

Si Sotto naman ang nag-apruba na isampa ang kaso ni Senator Richard Gordon laban kay Trillanes.

Nauna nang sinabi ni Trillanes na balak din niyang magsampa ng reklamo laban kay Gordon.

Magugunita na nagkainitan ang dalawa nang tawagin ni Trillanes na “committee de absuwelto” ang Blue Ribbon Committee.