Ni NITZ MIRALLES

MAHUGOT na tao si Maymay Entrata at makikita ito sa Instagram account niya na may mga post siyang hugot lines.

Ipinost ni Maymay ang official poster ng launching movie nila ng ka-love team na si Edward Barber at may pahugot uli siya at dahil mahaba, hindi na hugot lines lang ang tawag kundi hugot paragraph.

Maymay
Maymay
“Habang pinagmamasdan ko mas lalo akong di makapaniwala. Maraming salamat po sa lahat ng nagtiwala at suporta po naging fairy tale na din ang buhay ko. At ayan na nga ang official poster natin ng Loving in Tandem! Directed by Direk @igiselle Andres under Star Cinema. Thank you po Ms. Malou Santos sa opportunity at tiwala po. Maraming salamat din po sa Prod at sa lahat ng bumubuo ng LIT isang di makakalimutang samahan ang nabuo. I love you.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“PS. Ang dami ko pang gustong sabihin kaya di pa ako tapos. Sa susunod ulit #nothingisimpossible.”

Showing sa Wednesday, September 13 ang Loving In Tandem na kasama sa cast sina Carmi Martin, Cacai Bautista, Ketchup Eusebio, Thou Reyes, Onyok Pineda, Ryan Bang at introducing din ang love team nina Marco Gallo at Kisses Delavin.