Ni: Mike U. Crismundo

CABADBARAN CITY, Agusan del Norte – Patay ang isang lider ng tribo makaraang pagbabarilin nitong Martes ng riding-in-tandem sa national highway sa Purok 3, Barangay Cumagascas, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Kinilala ang napatay na si Datu Rusty Sandag Porogoy, 53, lider ng Manobo sa Pangaylan area sa bayan ng Santiago.

Batay sa salaysay ng mga saksi, sakay ang biktima sa motorsiklo mula sa kanyang bahay sa Tolosa at papasok na sa trabaho sa Santiago nang buntunan ng tatlong suspek na pawang lulan sa motorsiklo sa national highway sa Purok 3, Bgy. Comagascas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tatlong beses umanong binaril nang malapitan si Porogoy, kaya sumemplang ito at napahandusay sa highway pasado 7:00 ng umaga.

Inaalam pa ang motibo sa krimen.

Kaagad na ipinag-utos ang pagbuo ng task force para sa madaling pagresolba sa kaso.