Ni NITZ MIRALLES

NAKAKABILIB si Robin Padilla, ibebenta ang mga sasakyang RV bus at Humvee at ang mapagbebentahan ay nakalaan para sa pagpapagawa ng mga deep well sa evacuation centers sa Marawi.

ROBIN_ copy copy

Ipinost ni Robin sa Instagram ang dalawang sasakyan at sabi niya, “Silipin po ninyo ang aking RV Bus at FOR SALE po.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

For inquiries call +63 946 392 0544 Mario/+63 949 847 9558 Tita Tess. Ang pagbebentahan po nito ay dadalhin sa pagpapagawa ng mga deep well sa mga nangangailangan ng maayos na tubig sa evacuation centers sa Marawi war. Makipag-ugnayan po kayo at maging bahagi ng pagkilos na ito. Panalong-panalo ka po dito dahil may RV bus ka na makakatulong ka pa sa kapwa mo.”

Halos ganun ‘din ang post ni Robin para naman sa Humvee, tawagan lang ang number na nasa itaas para sa mga interesadong bumili sa dalawang sasakyan. Ipinost din ni Robin ang loob ng mga sasakyan. Ang ganda ng loob ng RV bus, parang bahay. May bedroom, kitchen, may sala, may restroom at may jacuzzi pa.

Sa makukulit na nagtatanong kung magkano ibinebenta ni Robin ang mga sasakyan, tawagan n’yo ang numbers na nakasulat at doon n’yo malalaman kung magkano.

Samantala, napalitan ng blessings ang good deeds na ginawa ni Robin para matulungan ang mga bakwit dahil siya ang kinuha ng Star Cinema na leading man ni Sharon Cuneta sa bagong pelikulang gagawin nito.