Ni NITZ MIRALLES

POSITIVE ang comments sa ipinost ni Marian Rivera sa IG story na picture ng asawang si Dingdong Dantes habang pinaplantsa ang Dolce & Gabana top ni Marian. Seryoso sa kanyang ginagawa si Dingdong, tutok sa pinaplantsa na nakasando at nakapaa lang.

Kuha ang IG story habang nasa Paris ang mag-asawa at ang anak nilang si Zia para dumalo sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. Natuwa ang mga nakakita sa video ni Dingdong, marunong daw pala ng gawaing-bahay ang aktor.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes
Siguro naman ipinagpaalam ni Marian kay Dingdong na kukunan niya para sa IG story ang asawa habang pinaplantsa ang damit niya. Ang caption ni Marian sa picture ni Dingdong, “Awww thanks mahal ko! #sweet.”

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Samantala, pumasok na si Solenn Heussaff sa Alyas Robin Hood 2 bilang si Iris at magkakaroon ng involvement kay Pepe (Dingdong). Ang sabi ni Solenn, sosyalera ang role niya sa action series na maraming kaso at kukunin niyang lawyer si Pepe.