Ni LITO T. MAÑAGO

MAY kasunod na pelikula na agad ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Cora Waddell pagkatapos niyang mapanood sa box-office hit na Woke Up Like This (WULT) nina Lovi Poe at Vhong Navarro.

Kung second lead lang siya sa Vhong-Lovi starrer, sa Recipe of Love (ROL) ng Regal Entertainment ay ganap na siyang leading lady ng Urian winner na si Christian Bables.

Cora Waddell
Cora Waddell
“Very, very grateful and very excited for the future. Kailangan ko pang pagbutihan ang craft ko,” sabi ng newbie actress.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Halos sabay daw niyang ginawa ang WULT at ROL. Nauna lang ipinalabas ang WULT ni Direk Joel Ferrer.

“Actually, ‘yung filming namin, halos sabay-sabay. I have to give my best kasi ito ‘yung pinaka-first leading role ko at ‘yung kasama ko ay award-winner. So sabi ko, ‘I have to step it up!’ So ‘yun ang ginawa ko and very excited na rin ako na mag-uumpisa na ‘yung promo for that movie,” lahad ni Cora sa thanksgiving blowout nina Mother Lily at Roselle Monteverde para sa WULT.

Gumawa siya ng paraan para mag-level up ang acting niya.

“When I found out na siya ‘yung leading man ko, pinanood ko talaga ‘yung Die Beautiful. Para makilala ko at mapanood kung paano siya umarte. Kasi siyempre, kakaiba ‘yung role na ‘yon. Nu’ng nalaman kong double award-winning siya sa role na ‘yun, sabi ko, ‘Okay, I have to take it very seriously itong job na ito.’

“Nu’ng nag-usap kami sa workshop, team-building bonding and script reading, tinatanong ko siya, ‘How long have you been acting?’ I asked him, ‘Paano mo ini-internalize ‘yung role, ‘yung strategy mo?’

“So nu’ng nakilala ko siya, medyo natantiya ko na ‘yung acting niya, du’n ko lang ginawa ‘yung character profile ko, kung paano ko siya masasabayan,” kuwento ng former Kapamilya star.

She has only good words for Christian.

“Sobrang bait niya. Mas ginaganahan ako to do better kasi I look up to him as an actor. Sobrang accomplished na niya kahit beginner pa rin siya sa industriya, ‘di ba?”

Sa huli, nagpasalamat siya kay Mother Lily sa big break na ibinigay sa kanya.

“I was just talking to Mother Lily, sabi ko, ‘Alam mo, sobrang grateful po ako na napunta po ako sa inyo. I admire her. She’s independent, strong and successful woman. So sabi ko, suwerte ko that I can learn from someone like her,” sabi ng baguhang aktres.