Ni: Fer Taboy

Patay ang dalawang katao habang isa ang kritikal makaraang salpukin ng isang pampasaherong bus ang sinasakyan nilang tricycle sa Ragay, Camarines Sur, nitong Miyerkules.

Ayon sa report ng Ragay Municipal Police, nangyari ang insidente bandang 9:30 ng gabi sa Andaya Highway, Barangay GRS sa Ragay, at hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binangga umano ng bus ang tricycle na sinasakyan ng tatlong biktima, na kaagad na ikinasawi ng dalawa sa mga ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

v