Ni: Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Panfiilo Lacson na tangkang pangongotong o ‘tara’ ang pakay ng nagbitiw na si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon sa halip na smuggling.

Sa mga dokumentong nakalap ni Lacson, lumalabas aniya na ang mga argumento ni Faeldon tungkol sa akusasyon nito na umano’y technical smuggling ng semento ay taliwas sa mga umiiral na panuntunan.

“Is there such a thing as smuggling of cement between ASEAN countries? None, because there is zero tariff for cement under the Association of Southeast Asian Nations Free Trade Area (AFTA), and even the ASEAN-China Free Trade Area (ACFTA),” nagtatakang pahayag ni Lacson.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Hindi umano niya maintindihan ang mga pinagsasasabi ni Faeldon lalo na sa puntong nagbabanggit ito ng halaga ng taripa sa kalakal na hindi naman kasama sa pinapatawan ng buwis na puwede umanong isang uri ng pangongotong.