Ni: Nora Calderon

KINAILANGAN nang patayin ang character ni Wyn Marquez sa Mulawin vs Ravena as Ribay, ang right hand ni Reyna Rashana (Chynna Ortaleza) sa kaharian ng mga ravena, na ikinalungkot ng kanyang mga tagasubaybay na laging inaabangan ang kanyang kaseksihan.

WYN copy copy

Super sexy kasi si Wyn sa kanyang costume bilang ravena.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hinayaan ng production ng telefantasya, na makapaghanda at makapag-concentrate na si Wyn bilang isa sa candidates ng Miss Philippines World beauty pageant na gaganapin na ang grand coronation night sa Sunday, September 3, sa Mall of Asia.

Ito ang post ng pasasalamat ni Wyn sa Instagram:

“Paalam, Ribay. Maraming salamat sa lahat ng bumumuo ng MVR! Mami-miss ko po kayong lahat... Mga mulawin at mga ravena, magkikita pa tayo ulit and I’ll try my best to soar high. Lumipad kayo papuntang MOA arena ah! @bianxumali_ @chynortaleza @beabinene etc... #ForTheWyn #MWP2017.

Nagpasalamat din si Wyn sa kanyang mga kababayan sa Parañaque.

“I will always and forever be a Parañaguena. I am so overwhelmed with the support I’m getting from my city! Ibang klase! Mga Parañaqueno at Parañaquena see you on September 3 at the Mall of Asia Arena.”

Nakiusap din si Wyn na iboto siya ng netizens: Candidate No. 9 Teresita “Winwyn” Marquez for Miss World Philippines 2017. Sa Friday, September 1, ang deadline ng pagboto.

Samantala, nasa huling tatlong linggo na sa ere ang Mulawin vs Ravena na mapapanood pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA 7.