Ni: Leonel M. Abasola

Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magkaroon ng job fair para sa mga inhinyero upang matugunan ang mabagal na implementasyon ng mga proyektong imprastruktura sa bansa.

“The backlog is due to what is called technical deficit. Maraming ahensiya ay kulang sa mga taong mangangasiwa sa mga proyekto,” ani Recto.

Aniya, ilan lang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Education (DepEd), Department of Transportation (DOTr), at Department of Health (DoH) sa mga ahensiya na kailangan ng project engineer lalo dahil aabot sa P1.5 trilyon ang pondo ng apat na kagawaran.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Aniya, kulang ng 1,777 engineer ang DPWH, 19,501 sa DOTr, 1,297 sa DOTr.