Ni: Freddie G. Lazaro

CANDON CITY, Ilocos Sur – Patay ang apat na menor de edad at dalawa ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa nakalipas na dalawang araw sa Candon City, Ilocos Sur.

Binawian kaagad ng buhay ang isang 12 at 13 taong gulang, kapwa residente ng Barangay Carcarabasa sa Lidlidda, nang mawalan ng kontrol ang una sa minamanehong motorsiklo, habang binabagtas ang madulas na kalsada sa Bgy. San Agustin, Candon City.

Isa pang 15-anyos na angkas, na naninirahan sa nasabing lugar, ang nagtamo naman ng sugat sa aksidente.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Samantala, iniulat naman ni PO1 Romeo Marquez Jr. ng Candon City Police, na dalawa pang bata ang namatay matapos mag-overtake ang isang pick-up truck sa tricycle na sumalpok naman sa motorsiklong minamaneho ng mga biktima, sa national highway sa Bgy. Bagani Campo, Candon City, bandang 11:45 ng umaga nitong Huwebes.