KUALA LUMPUR – Umusad sa championship match si Anna Clarice Patrimonio sa women's singles tennis ng 29th Southeast Asian Games kahapon sa National Tennis Centre.

Magaan na ginapi ni Clarice, anak ni PBA legend Alvin Patrimonio, si fourth-seed Ka Andrea Daray ng Cambodia, 6-0, 6-3, sa semifinal round at maisaayos ang gold-medal match kontra Luksika Kumkhum ng Thailand.

Umusad ang No. 1 ranked na si Kumkhum nang bokyain si Tan Li Yan Stefani ng Singapore, 6-0, 6-0, sa hiwalay na semifinal pairing.

Sasabak din sa championship match ang tambalan nina Ruben Gonzales at Francis Casey Alcantara sa men’s doubles matapos gapiin sina Kittiphong W. at Wishaya T. ng Thailand, 6-3, 7-6, 13-11.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Haharapin nina Gonzales at Alcantara ang tambalan nina Sanchai Ratiwatana at Sonchat Ratiwatana ng Thailand, ang top-seed sa doubles.