NI: Bert De Guzman

Puwedeng pumutol ng mga punongkahoy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kapag ito ay nakakaharang sa lansangan at kailangan ng gobyerno para sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources ang House Bill 4208 na nagbibigay ng pahintulot sa DPWH na putulin, ilipat, alisin o magtanim ng mga punongkahoy kapag nagpapatupad ng national o local infrastructure projects gaya ng “clearing of road right-of-way and site clearing, development or preparation.”

Ang panukala ay inakda ni Marikina City Rep. Bayani na nagbibigay ng exemption sa DPWH na kumuha pa ng permiso sa pagputol ng mga puno, earth-balling, transfer, disposal at planting permits mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng mga ahensiya nito, tulad ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), Forest Management Bureau (FMB) at ng local government unit (LGU).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ni Rep. Arnel Ty (Party-list, LPGMA), chairman ng komite, na ang panukala ay suportado ni Speaker Pantaleon Alvarez (1st District, Davao del Norte) at Majority Leader Rodolfo Fariñas (1st District, Ilocos Norte).