Ni: Nitz Miralles

EFFECTIVE ang pa-dirty ice cream party ni Direk Mark Reyes sa pilot episode ng My Korean Jagiya dahil positive ang feedback, matagal nag-trending at panalo sa rating.

Alexander and Heart 29 copy

Nakakatuwa ang picture ni Direk Mark kasama ang ilang staff at buong cast pati ang Korean stars na may hawak na dirty ice cream.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa Instagram account ni Heart, nag-post ito ng thank you message: “Jun Ho and Gia (ang karakter nila ni Alexander Lee) say thank you for watching #MyKoreanJagiya’s pilot episode! We’re so happy about topping our ratings, and it’s because of all your support for the show.”

Magaan, nakakakilig at naka-relate ang Pinoy fans ng Korean drama, Korean stars at K-pop sa story ng My Korean Jagiya at pati ang ibang adik sa everything Korean na Pinoy fans, sumusubaybay din.

Isa sa inaabangan naming eksena ay noong nasa Nami Island sina Heart at Alexander, nagbibisikleta at may mga nahulog na dahon. Dala nina Direk Mark ang mga dahon na ‘yun sa Korea at ginamit sa Encantadia at dinala uli nila pabalik ng Pilipinas dahil gagamitin pa ‘pag natuloy ang Season 2 ng telefantasya.