Ni AARON B. RECUENCO

Sugatan ang apat na sundalo habang dalawang lalaki na hinihinalang tagasuporta ng Maute Group ang napatay makaraang atakehin ng armadong grupo ng mga ito ang isang military detachment sa bayan ng Marantao, malapit sa Marawi City, sa Lanao del Sur kahapon ng umaga.

Sinabi ni Chief Insp. Tara Leah Cuyco, information officer ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional police, na dakong 5:00 ng umaga kahapon nang salakayin ng mga armadong lalaki ang military detachment na nasa harap lang ng himpilan ng pulisya.

“The Provincial Director was called by the chief of police of Marantao that they heard a burst of gunfire, and when they checked, they found out that he military detachment was being attacked,” ani Cuyco.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ayon kay Cuyco, kaagad na nag-organisa ng ilang grupo si Lanao del Sur Police Provincial Office director, Senior Supt. Joh Guygoyon upang saklolohan ang presinto, ngunit hinarang sila sa military checkpoint.

“They were held because according to the military, enemy forces were waiting for ambush opportunity to responding troopers,” paliwanag ni Cuyco.

Dumating sa attack site ang mga rumespondeng puwersa ng gobyerno bandang 7:00 na ng umaga.

“At the rooftop of the municipal hall, the enemies are visible running in the opposite sector going to the mountainous area,” sabi ni Cuyco, batay sa pahayag ng ground troopers.

Ayon kay Cuyco, apat na sundalo ang nasugatan sa shrapnel, hanggang sa tuluyang ma-clear ang lugar limang oras matapos ang pag-atake.

Nag-iimbestiga pa ang pulisya upang kumpirmahin kung mga tagasuporta o miyembro ng Maute Group ang mga suspek.