Ni: Gilbert Espeña

TARGET ni undisputed world super lightweight champion Terence Crawford na hamunin ang magwawagi sa rematch nina eight-division world titlist Manny Pacquiao at WBO welterweight beltholder Jeff Horn sa Brisbane, Australia sa Nobyembre.

Tinalo ni Crawford si Julius Indongo ng Namibia via 3rd round knockout sa Pinnacle Bank Arena sa Lincoln, Nebraska para maging WBC, WBC, IBF, WBO, Ring at IBO light welterweight champion at plano ngayon ng kanyang promoter na si Top Rank big boss Bob Arum na dalhin siya sa sagupaang Pacquiao-Horn para hamunin ang magwawagi.

“It means everything,” sabi ni Crawford sa BoxingScene.com matapos mapaganda ang kanyang rekord sa perpektong 32 panalo, 23 sa pamamagitan ng knockouts. “When you start boxing when you’re seven years old, that’s your dream to become world champion – and after that you want to become something bigger than world champion. You just don’t stop there. You go to the highest level possible.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“I’m all for it,” sabi ni Crawford sa planong pag-akyat sa welterweight division para hamunin ang Pacquiao-Horn winner at ipinagmalaki ang panalo kay Indongo sa bigwas sa bodega. ‘’We knew the body was going to be open, being that he swings so wild. We felt we could catch him in the middle of his punches. That’s what we worked on in the gym.’’