Ni DINDO M. BALARES

DAPAT makarating kay Vice Ganda ang reaksiyon ng ilang showbiz reporters at maraming netizens sa pasaring niya sa GMA Network. Ito ‘yung patanong na sinabi niyang bakit daw tinawag na “Where You Belong” gayong naglilipatan naman ang stars sa ABS-CBN.

VICE GANDA copy copy

Bagamat pabor siyempre sa ABS-CBN ang pasaring niya, hindi naman natuwa ang Kapuso fans at maging ang neutral lang na televiewers.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matagal nang may pangda-down o insulto ang jokes ni Vice na bagamat marami ang naaaliw, marami rin naman ang nao-offend.

Hindi ito tira kundi paalala. Napakaliit lang ng showbiz, at sa ngayon dadalawang network ang masasabing aktibo.

Totoong may mga Kapusong lumilipat sa Dos, pero mayroon din namang Kapamilyang lumilipat sa Siyete.

Si Willie Revillame nga na dating umuukopa sa timeslot ng It’s Showtime, nasa GMA na. May unconfirmed report din na tuloy ang negosasyon ni Kris Aquino sa Kapuso Network. Sino ba naman ang mag-aakala?

Kaya dapat ding maghinay-hinay si Vice. Kung sabagay, kanya-kanyang style lang naman ‘yan.

Maraming namba-bash sa kanya dahil sa huling hirit niya kontra Kapuso Network. Pero sa rami na ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Vice dahil sa kanyang offensive jokes, mukhang hindi naman siya worried. Ang mahalaga nga naman ay napapatawa pa rin niya ang audience niya.

Mukha rin namang hindi siya didisiplinahin ng mga bossing niya sa Dos. No one can argue with success. Kaya dapat siguro tayong mag-expect ng mas marami pang in bad taste na jokes mula sa kanya.