BUTUAN CITY – Pinaghandaan ng mga residente sa ilang lugar sa Surigao del Sur, kabilang ang Tandag City, ang dalawang araw na brownout na magsisimula ngayong Linggo, Agosto 20.

Ang pansamantalang kawalan ng kuryente ay bunsod ng maintenance work na regular at taunang ginagawa upang matiyak ang kalidad ng serbisyo ng mga substation ng Surigao del Sur Electric Cooperative, Incorporation II (SURSECO II).

Ang brownout ngayong Linggo ay magsisimula dakong 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Tandag City, sa munisipalidad ng Cortes at sa ilang dako ng bayan ng Tago, partikular sa mga barangay ng Poblacion, Victoria, Dayo-an, Camagong, Mercedes, at ilang bahagi ng Gamut.

Bukas, Lunes (Agosto 21), sa kaparehong araw ay mawawalan din ng kuryente ang mga munisipalidad ng Marihatag, Cagwait, Bayabas, San Miguel, at ang ilang bahagi ng Tago.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tiniyak naman ng pamunuan ng SURSECO II sa mga residente sa mga apektadong lugar na kaagad na maibabalik ang serbisyo ng kuryente pagkatapos ng gagawin nilang pagmamantine. - Mike U. Crismundo