Ni: Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Muling magtatambal sina United States-based Denise Dy at Fil-German Katharina Lehnert para sa minimithing gold medal sa women’s doubles ng tennis sa 29th Southeast Asian Games.

Kaagad na nagsanay sina Dy, 28, at Lehnert mula sa mahabang oras na biyahe, tangan ang determinasyon na makabawi mula sa kabiguang natamo sa finals sa Singapore may dalawang taon na ang nakalilipas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It has been two years since, but it felt like just only yesterday,” sambit ni Dy.

Hindi na sumasabak sa kompetitibong torneo si Dy dahil sa kanyang trabaho bilang coach ng women’s team ng University of Washington.