Ni: Liezle Basa Iñigo

Iniimbestigahan ngayon ang isang guro sa pampublikong elementary school ng Tuguegarao City, Cagayan makaraang mag-viral sa social media ang video nito na aktong nanapak ng isang kinder pupil.

Sari-sari ang reaksiyon ng netizens, ngunit nakararami ang nagalit sa pananapak ng guro sa paslit habang gumagawa ng seatwork.

Ipinalalagay na hindi nakuha ng bata ang instruksiyon ng guro hanggang nainis ang huli at hindi napigilan ang sarili kaya sinapak ang paslit.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Kahapon, umabot na sa daang-libo ang shares ng naturang video, na nakagulantang din maging sa Department of Education (DepEd).

Sa panayam kahapon ng Balita kay Ferdinand Narciso, information officer ng DepEd-Region 2, sinabi niyang kaagad na inatasan ni Regional Director Estela Leon-Carinio ang school division superentindent na agarang magsagawa ng imbestigasyon sa insidente, at magsumite ng incident report sa kagawaran.

Ayon kay Narciso, matapos ang imbestigasyon sa guro ng Namabbalan Elementary School sa Tuguegarao City ay tsaka pa lamang makapaggagawad ng kaukulang parusa ang DepEd.

Kung hindi man masuspinde at tuluyang sa serbisyo ang guro, ito ay depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Sinabi ni Narciso na namagitan na ang principal at guidance counselor ng paaralan para makapag-usap ang dalawang panig at mistulang nagkasundo na umano ang mga ito.

Gayunman, iginiit ni Narciso na may pananagutan pa rin ang guro sa pananakit sa estudyante.