Ni NORA CALDERON

WALA yata sa bokabularyo ni Alden Richards ang salitang pagod at jet lag. Pagkatapos ng GMA Pinoy TV show niyang “Fiesta Ko Sa Texas” last Sunday, 16 hours ang travel niya from Houston, Texas to LAX Airpot in Los Angeles, to the Philippines. Gabi ng Martes siya dumating. Labintatlong oras ang difference ng Texas sa Pilipinas, kaya kung gabi roon, araw dito.

BIANCA ROCCO ALDEN GINA BONI AT DIREK ADOLF ALIX copy

Pero balewala ang pagod at jet lag kay Alden. Nag-report agad siya sa “Juan For All, All For One” segment ng Eat Bulaga kinaumagahan (Miyerkules), kaya nang biruin siya ni Vic Sotto kung nakatulog na siya, sagot niya, “’Di pa, Bossing, ayaw pang magtama ang oras ko.”

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Tulad ng sinabi niya sa press conference sa Houston, gustuhin man niyang mag-extend ng stay pa para makapasyal dahil first time niyang makarating doon, kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas dahil may gagawin siyang documentary para sa paggunita sa 45th year ng Martial Law.

Kaya pagkatapos ng Eat Bulaga, diretso na si Alden sa GMA Network para sa look test, pictorial niya at ng mga makakasama niya sa docu-drama (Alaala ang title) na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs.

Tatalakayin nila ang mga pangyayari nang ibagsak ang Martial Law noong September 21, 1972. Ang pagbabalik-tanaw sa pamamagitan ng sinulat ni Bonifacio P. Ilagan sa mga nangyari noong Martial Law, na isa siya sa mga biktima. Si Boni ay isang Carlos Palanca Memorial awardee at mahusay na screenwriter.

Script-reading ang sumunod sa pictorial, ipinaliwanag ni Direk Adolf Alix Jr. ang documentary at ang roles na gagampanan nina Alden, Rocco Nacino, Bianca Umali at Ms. Gina Alajar.

Kahapon, nagsimula na ang kanilang taping. Wala pang definite date ang airing ng documentary, pero sa Setyembre na siyempre ito.