NEW DELHI (Reuters) – Itinulak ng malaking landslide na dulot ng pag-ulan ang dalawang bus sa bangin na ikinamatay ng mahigit 40 katao sa Himachal Pradesh state sa hilaga ng India nitong Linggo ng umaga, sinabi ng isang opisyal.

Narekober ng mga rescuer ang 47 bangkay bago itinigil ang search operations kinagabihan sa Mandi district, may 431 kilometro ang layo mula sa hilaga ng New Delhi.

Wala nang iba pang pasahero ang iniulat na nawawala, sinabi ni Krishan Kumar, public relations officer sa National Disaster Response Force.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na