NI: Marivic Awitan

Mga Laro sa Miyerkules

(Fil -Oil Flying V Center)

10 n.u. -- Air Force vs Sta. Elena (men’s for 3rd)

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

1 n.h. -- Cigna TV vs Mega Builders (men’s for crown)

4 n.h. -- Creamline vs Air Force (women’s for 3rd)

6:30 n.g. -- BaliPure vs Pocari Sweat (women’s for crown)

NAGPAMALAS ng katatagan at all around game ang koponan ng BaliPure at sinamantala ang masamang reception ng Pocari Sweat para mawalis ang karibal, 25-22, 25-19, 25-22 nitong Sabado sa Game 1 ng kanilang best-of-3 finals showdown sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Pocari Sweat's Myla Pablo - 1st Best Outside Spiker and Finals Most Valuable Player during the Premier Volleyball League Open Conference at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 11, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Pocari Sweat's Myla Pablo - 1st Best Outside Spiker and Finals Most Valuable Player during the Premier Volleyball League Open Conference at Filoil Flying V Centre in San Juan, August 11, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ipinamalas ng Water Defenders na mas gutom sila sa titulo matapos maagap na napigil ang napipintong paglugso noong first set at ang pagbangon mula sa anim na puntos na pagkakaiwan sa second set hanggang sa matinding pagkapit sa third frame para makauna sa serye at makahakbang palapit tungo sa hangad nilang unang titulo.

Binigyang kredito ni coach Roger Gorayeb ang kanyang mga players sa ipinakita nilang determinasyon at pagsunod sa kanilang mga ‘plays’ na mistulang duplikasyon ng kanilang 25-21, 25-16, 25-23 sweep kontra Lady Warriors noong eliminations ng mid-season conference.

Nauna rito, nagtala rin ang Creamline ng 25-15, 25-21, 25-19 sweep kontra Air Force sa pagsisimula ng sarili nilang series para sa ikatlong puwesto.

Muling namuno si Aiko Urdas para sa Water Defenders sa natipang 15 puntos, kabilang dito ang12 hits at 3 blocks.

Naunsiyami naman ang tinanghal na Conference MVP na si Myla Pablo dahil bigo siyang maipanalo ang Lady Warriors.

Itinala ni Jerrili Malabanan ang tatlo sa huling limang puntos ng BaliPure habang si Risa Sato ang sumelyo sa kanilang panalo sa pamamagitan ng isang quick hit.