NI: Mary Ann Santiago

Isa na namang bilanggo ang namatay sa heat stroke dahil sa umano’y matinding init na nararanasan sa loob ng selda ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Jonathan Ruiz, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang namatay na si Dave Banan, 25, tricycle driver, ng 2340 Andrade Street sa Sta. Cruz.

Sa ulat ni Ruiz, isinugod sa Justice Jose Abad Santos Medical Center ang biktima nang makaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga, bandang 1:45 ng hapon.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pagsapit ng 8:47 ng gabi ay tuluyan nang binawian ng buhay si Banan.

Si Banan ay ikinulong sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling.