Ni: Johnny Dayang

MASYADO pang maaga upang malaman kung sino ang susunod sa yapak ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ngayon ay popular sa madla, bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

Ang usapin sa susunod sa pagkapangulo ay hindi isang bagay na mapagdedesisyunan sa loob lamang ng isang gabi. Sa katunayan, ito ay isang bagay na magiging mahalaga lamang base sa magiging desisyon ng chief executive, na siyang mangunguna sa magiging direksiyon ng bansa.

Sa panahon ngayon ng mga mapagpanggap, ang Senado ang nangunguna sa pinagkukuhanan ng mga kalahok sa pagkapangulo.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Ito ay sinusundan ng House of Representatives, na ang Speaker ang kadalasang inuusig. Ang dalawang kamara ng Kongreso ay pinangungunahan ng mga Mindanaoan, na siya ring pinagmulan ng kasalukuyang Pangulo, dahil dito mataas ang posibilidad na ang susunod na lider ng bansa ay magmumula muli sa Timog.

Bagamat magmumula sa parehong political party, PDP-Laban, ang dalawang congressional leader, sila naman ay may iba’t ibang pilosopiya at magkaibang personalidad.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay may ugaling ‘devil may care’. Kinakalaban niya ang iba’t ibang institusyon, tinatalikuran ang mga kaalyansa, at walang habas na nagkokomento ukol sa mga itinatagong sentimento ng bawat indibidwal.

Upang igiit ang pagsunod sa House leadership, ipinag-utos niya na usisain nang mabuti ang pagpapatupad ng mga batas, hamunin ang Court of Appeals at pabulaanan ang hukom, nagbanta rin siya na ipahihiya ang korte suprema sa pamamagitan ng pagsuway sa mga ipinag-uutos nito, at apihin ang mga ahensya sa ilalim ng Presidente sa pamamagitan ng hindi pag-apruba sa mga budget ng mga ito.

Sa kanyang tinatahak na landas patungo sa kasikatan, na umabot na sa paninirang-puri sa mga indibidwal at maging mga institusyon, Si Alvarez ay waring kaugali ni Duterte na bagama’t makulay ang ginagamit na linggwahe, ay napanatili at hindi naligaw ng landas ang mga plano ng pagiging pangulo.

Sa kabila nito, ang presidente ng senado at manok ng PDP-Laban na si Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ay niyakap ang pilosopiya ng hindi pagkunsinti sa mga hamon na ibinabato sa kanya at maingat na isinasantabi ang mga katanungang pampulitika upang bigyang daan ang mas dapat pag-ukulan na mga isyu ng bansa.

Masasabi natin na may iba’t ibang estilo sa pamumuno sa kanyang gobyerno ang bawat Presidente. Sa pamumuno ni Duterte, panunuyam o sarcasm ang kanyang sagot sa bawat kayamutang idinudulot ng mga isyu sa bansa, na kadalasan ay samu’t saring kritisismo rin ang balik.

Si Pimentel naman ay may resonableng pagdulog sa mga isyu kung kaya’t siya ay nangunguna sa mga balita.

Ikinikonsidera niya ang mga talamak na implikasyon ng mga ito at pagiging simple ng kanyang mga ginagawang deklarasyon. Siya ay sensitibo sa mga bagay na nakaaapekto sa interes ng bansa. Siya ay direkta kung magsalita at makatao.

Ang pagiging edukadong tao at hindi mapagmalaki sa kabila ng mga kabiguan ni Koko ay isa sa mga dahilan kung bakit nakikinita ng mga tao ang gampanin niya sa presidential polls sa taong 2022.