NI: Jun Fabon

Nalambat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinawag na “big-time shabu queen” na nakumpiskahan ng P5 milyon halaga ng shabu sa isang motel sa Maynila, iniulat kahapon.

Sa report ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña, kinilala ang inarestong suspek na si Arlin Atienza y Matibag, alyas Ara, na sinasabing bigating tulak ng ilegal na droga sa Maynila.

Sinorpresa ng PDEA Regional Office IV-A operatives, sa pamumuno ni Director Arche Grande, si Arlin sa Mahal Kita Drive – in Motel sa EDSA, Pasay City, dakong 1:00 ng madaling araw kamakalawa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa nasabing operasyon, nakuha mula kay Arlin ang isang kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa PDEA headquarters at kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.