Ni REGGEE BONOAN

“HINDI ko alam, busy ako, eh,” tumatawang sagot ni Coco Martin habang kumakawala na sa ilang entertainment reporters.

Tinanong kasi si Coco kung ano ang masasabi niya na magkasama sina Julia Montes at mama niya sa Hong Kong kamakailan.

COCO AT JULIA
COCO AT JULIA
May kumalat kasing litratong nina Julia at mama ng aktor, kuha habang pababa ng Mickey Mouse train patungong Disneyland nang mamasyal doon ang dalaga kasama ang mga kapatid.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Maging si Julia ay hindi rin sinagot ang tanong ni Karla Estrada, nang mag-guest ito sa Magandang Buhay, tungkol sa pagsasama nila ng mama ni Coco sa Hong Kong.

Idinaan ni Julia sa ngiti at pagluluto ang sagot sa tanong ni Karla, kaya sinabihan siya ng TV host/singer ng, ‘Respeto naman, anak, tinatanong ka ng Tita Karla mo’ pero dedma pa rin ang dalaga sabay sabing, “move on na po tayo.”

Matagal na naming isinusulat na nagkakamabutihan sina Julia at Coco pero hindi nila ito inaamin, bagamat pareho naman nilang sinasabing espesyal sila sa isa’t isa bukod pa sa walang ibang nali-link sa kanila. Siguro paraan ng pagsasabi nila na ‘taken na ako.’

Samantala, sa 100 weeks celebration ng FPJ’s Ang Probinsyano, tiniyak ni Coco na ngayon pa lang magsisimula ang mas seryosong kuwento sa ikalawang yugto ng programa bunga ng pagkamatay ng anak nila ni Yassi Pressman na si Ricky Boy.

Sa umereng episode ng programa nitong Biyernes ay miyembro na ng kilusan ng mga rebelde si Cardo Dalisay na ang bagong pangalan ay Fernan at tinawag namang Aguila ni Dante Rivero dahil sa pagliligtas nito sa kanila.

Ang hindi alam ng mga rebeldeng Pulang Araw ay may binabalak na sa kanila si Cardo. Inaabangan ng viewers kung kaya silang gapiin lahat ni Cardo.