CAGAYAN DE ORO CITY – Apatnapu’t dalawang mahahaba at maiikling baril ang isinuko sa pulisya ng sampung katao, halos lahat ay barangay chairman sa Ozamiz City, na umano ay ibinigay sa kanila ng pamilya Parojinog.

Sinabi ni Chief Supt. Timoteo Gascon Pacleb, director ng Police Regional Office (PRO)-10, na ang mga naturang baril ay “loose”.

Isinulong ang kampanya laban sa loose firearms sa Ozamiz City matapos salakyin ang bahay ng mga Parojinog, na ikinasawi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr. at 15 iba pa noong Linggo.

Nagsuko ng baril sina Rolando Velsayo, chairman ng Barangay Pulot; Saulo Salvador, ng Malaubang; Shiela Marie Agonoy, ng Banadero; Juanito Saguin Jr., ng Gango; Peter Dumon, ng Dalapang; Delfin Ignacio, ng Kinuman Norte; Albina Potutan, ng Embargo; Danilo Tubil, ng Balintawak; City Councilor Robert Cantago; at isang Pio Cano, ng Bgy. Guimad. - Camcer Ordoñez Imam

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente